ST 2 Coverage
Buod ng tatlong akdang tatalakayin, sinundan ng bagong aralin tungkol sa mga elemento ng kultura.
1. Mga Akda
Tatlong akdang tatalakayin, ayon sa pagkakasunod-sunod. Tapikin ang tab para makita ang buod ng bawat isa.
Full reference
Pareho ring nilalaman ng directory sa itaas, nakalatag para sa mabilis na balik-aral.
2. Tekstong Argumentatibo
Ang tekstong argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa batay sa datos at lohika. Narito ang limang mahahalagang bahagi ng estruktura nito:
1. Proposisyon at Tesis
- Proposisyon: Ang isyu o paksang maaaring pagtalunan (Hal: Dapat bang ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng klase?).
- Tesis: Ang malinaw at matibay na paninindigan sa paksa (Hal: Dapat ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng klase dahil nakagagambala ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral).
2. Datos at Pangangatuwiran
- Datos / Ebidensya: Mga patunay, pananaliksik, o katotohanan na sumusuporta sa tesis.
- Pangangatuwiran: Lohikal na pagpapaliwanag kung paano pinatutunayan ng datos ang tesis.
3. Halimbawa ng Argumento
- Paksa / Proposisyon: Dapat bang ipagbawal ang cellphone sa klase?
- Tesis: Dapat itong ipagbawal dahil nakakaabala sa pagkatuto.
- Ebidensya: Maraming estudyante ang nawawalan ng pokus dahil sa social media at games.
- Paliwanag: Dahil dito, bumababa ang kanilang academic performance.
4. Mahahalagang Termino
- Tesis: Iyong paninindigan sa paksa.
- Proposisyon: Isyung pinagtatalunan.
- Ebidensya: Mga patunay na sumusuporta sa tesis.
- Rebuttal: Pagsagot o pagsalungat sa argumento ng kabilang panig.
5. Ang Rebuttal (Pagsalungat):
- Ito ang pagsagot sa mga argumento ng kabilang panig. Ipinapakita nito na mas matibay at mas makatwiran ang iyong tesis kaysa sa kanila.
3. Kulturang Elemento
Limang elemento ng kultura: Pagpapahalaga, Arketibo, Wika, Norms, at Simbolo.
Pagpapahalaga (Values)
Mga prinsipyo at paniniwalang itinuturing na mahalaga sa isang kultura.
Arketibo (Archetype)
Mga paulit-ulit na karakter o sitwasyon sa mga kwento na kumakatawan sa unibersal na karanasan ng tao — tulad ng bayani, kontrabida, at mentor.
Wika (Language)
Ang salita at paraan ng pakikipag-usap na nagpapakita ng kultura at panahon.
Norms (Pamantayan)
Mga pamantayan at alituntunin ng lipunan na sinusunod ng mga tao sa isang panahon.
Simbolo (Symbol)
Mga bagay, kulay, o imaheng may malalim na kahulugan — nagpapahiwatig ng damdamin, ideya, at kultura.